Nagsimula na ang unang araw ng Preliminary Investigation kaugnay sa reklamong importation of dangerous drugs na isinampa ng National Bureau of Investigation laban sa mga negosyante at iba pang sangkot sa 6.4-billion Peso Shabu shipment sa Velenzuela City.
Inisnab naman ang hearing ng mga pangunahing respondent na tumatayong fixer ng naturang shipment na si Mark Taguba at isa pang broker na si Teejay Marcellana at tanging abogado nila ang dumating sa hearing.
No-show din ang dalawang Taiwanese na sina Chen Min at Jhu Ming Jyun sa pagdinig, kahapon.
Present sa hearing ang may-ari ng Hongfei Logistics na si Chen Ju Long alyas Richard Tan at Richard Chen gayundin ang negosyanteng taga-Cebu na si Dong Yi Shen alyas Kenneth Dong.
Gayunman, tanging sina Dong at ang sinasabing may-ari ng EMT Trading at consignee ng cylinder shipment na si Eireen Tatad ang naagsumite ng kani-kanilang counter-affidavit.
Kampo ng Ilan sa mga respondents sa kaso humirit ng Extension
Humirit ng extension ang mga abogado ng customs fixer na si Mark Taguba at broker na si Teejay Marcellana at Chen Ju Long alyas Richard Tan para makapaghain ng kanilang kontra-salaysay.
Kaugnay ito sa kanilang kinakaharap na reklamong importation of dangerous drugs na isinampa ng National Bureau of Investigation.
Pinagbigyan naman ni Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes, ang piskal na may hawak ng kaso ang hirit ng abogado ng mga respondent kung saan binigyan ang mga ito ng hanggang September 25, alas 8:30 ng umaga upang ihain ang kanilang kontra salaysay.
Kahapon nagsimula ang unang araw ng imbestigasyon sa reklamong kinakaharap nina Taguba, subalit hindi sumipot sina Taguba at Marcellana.
Present naman sa hearing ang detinadong caretaker ng warehouse na si Fidel Anoche Dee subalit hindi naman nakapagsumite ng kontra-salaysay at wala ring kasamang abogado.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE