Ilalarga ngayong Miyerkules ng DOJ o Department of Justice ang preliminary investigation kaugnay sa kaso ng pagpatay sa pamamagitan ng hazing kay University of Santo Tomas (UST) law freshman Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Partikular na tututukan ng three-man panel sa kanilang imbestigasyon ang labing walong (18) respondent sa kaso na karamihan ay mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris fraternity.
Kabilang sa mga respondent si Rosemarie Trangia, ang ina ng isa sa mga itinuturing na suspek sa pagpatay kay Atio na si Ralph Trangia na sinampahan ng kasong Obstruction of Justice.
Kasunod nito, bibigyan din ng pagkakataon ng panel ang mga respondent na makapagsumite ng kanilang kontra salaysay sa mga kasong isinampa laban sa kanila ng MPD o Manila Police District.