Inisnab ni Monsignor Arnel Lagarejos ang unang araw ng Preliminary Investigation ng Department of Justice sa kinakaharap nitong dalawang ulit na kasong qualified human trafficking.
Tanging ang abogado ni Lagarejos ang nakadalo sa closed door hearing.
Personal namang pinanumpaan ng 13 taong gulang na biktima at ng kanyang ina ang kanilang complaint affidavit sa harap ni Assistant State Prosecutor Karla Cabel.
Samantala, binigyan ng piskalya si Lagarejos at ang apat na kapwa niya respondent ng limang araw para magsumite ng kontra-salaysay.
Itinakda ang susunod na pagdinig sa Setyembre 22, alas 3:00 ng hapon.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE