Umarangkada na ang preliminary investigation sa mga drug cases laban kay Senador Leila de Lima.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, agad itong reresolusyonan ng Department of Justice (DOJ) panel sa sandaling makapagsumite ng kanyang counter affidavit si De Lima at mga kapwa akusado.
May kaugnayan ito sa apat na kasong may kinalaman sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) na inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ng dalawang dating opisyal ng NBI , NBI mismo at iba pa na pinag-isa na lamang ng DOJ.
“Inaasahan natin na sila’y pupunta doon at susumpa sa kanilang depensa at sa kanilang counter affidavit.” Pahayag ni Aguirre
By Len Aguirre | Ratsada Balita