Agad itinakda ng binuong panel of prosecutors ang petsa ng preliminary investigation sa kaso ng pagkakapaslang kay Kian Delos Santos.
Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, itinakda ng panel sa pangunguna nina Senior Assistant State Prosecutor Tofel Austria, Assistant State Prosecutor Amanda Garcia at Associate Prosecutor, Atty. Moises Acayan ang pagdinig sa September 12 at 19.
Kaugnay nito, inaasahan ang pagdalo ng mga partido sa kaso na kinabibilangan ng mga magulang ni Kian na sina Saldy at Lorenza na nasa provisional coverage na ng Witness Protection Program, mga kinatawan mula Public Attorney’s Office at National Bureau of Investigation na naghain din ng hiwalay na reklamo.
Kabilang din sina Chief Inspector Amor Cerillo, PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda bilang mga respondent na nahaharap sa kasong murder.
By: Drew Nacino / Bert Mozo
SMW: RPE