Gumulong na ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa sedition case laban kina Vice President Leni Robredo at ilang miyembro ng liberal party kaugnay sa di umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi dumalo si Robredo sa pagdinig ngunit kinatawan naman siya ng kanyang abogado na si Atty. Marlon Manuel.
Dumating naman sa pagdinig sina Atty. Chel Diokno, Atty. Erin Tañada, Atty. Neri Colmenares, Atty. Theodore Te, dating solicitor general Florin Hilbay at Father Robert Reyes.
Dumalo din sa pagdinig si Atty. Larry Gadon na abogado ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’.
Kaugnay nito, binigyan ng DOJ ng limang araw ang PNP-CIDG para ibigay ang kopya ng ‘Ang Totong Narco list’ videos na nagsasangkot sa pamilya ni Pangulong Duterte sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Itutuloy ang preliminary investigation sa Setyembre 6.