Hindi pa napapanahon ang pagtakbo sa pulitika dahil sa nararanasang pandemya ng bansa sa COVID-19.
Ito ay ayon kay Manila Mayor Isko Moreno makaraang alukin ni Liberal Party president at Sen. Kiko Pangilinan na ikonsidera ang pagkandidato sa susunod na halalan.
Sinabi pa ni Moreno na isang premature pa ang pulitika lalo na’t humaharap ang bansa sa matinding krisis.
Giit ni Moreno, mas prayoridad nito ang pagbabakuna sa 1.1 milyong Manilenos bago isipin ang pulitika.
Aniya, inihahanda niya ang lungsod ng Maynila na makabangon muli at makamit ang herd immunity.
Una nang tinangihan ni Moreno ang imbitasyon ng 1Sambayanan na maging pambato sa presidential eleksyon sa susunod na taon.