Inaasahan ang panibagong tagumpay ni Empoy Marquez sa pinakabagong pelikula nito.
Dinumog ng fans at maging ng mga artista ang premiere night ng pelikulang The Barker ni Empoy at leading lady niyang si Shy Carlos.
Si Empoy na tinaguriang Millenial Leading Man ay sinalubong ng tilian at sigawan mula sa fans na naka-abang.
Tuwang-tuwa ang mga nanood sa premiere night dahil sa nasaksihang kakaibang Empoy kasunod na din ng maraming action scenes nito.
Pinakilig din ng The New Pogi ang mga manonood sa kaniyang mga banat at matatamis na eksena kasama ang kaniyang leading lady partikular ang ilang beses na kissing scenes ng mag-partner.
A post shared by Ok 9 (@empoy) on