Nananatiling minamandato ng Universal Health Care Law ang pagtaas ng premium rates sa PhilHealth.
Ito ang inihayag ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña sa panawagan ni senator-elect JV Ejercito na suspendihin muna ang premium hike.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni Baleña na nakipagtulungan sila sa Kongreso sa naantalang taas-kontribusyon noong nakaraang taon para sa pagpapasa ng isang batas na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang anumang premium adjustments.
Kami ay sumangguni rin sa malakanyang humingi kami ng guidance sa pangulo at kami naman ay pinayuhan ng ipagpatuloy ang contribution schedule. Kaya yun na po ang aming naging pamamaraan sapagkat nakikita rin natin ‘yung nakikita nila na kalagayan ng ating mga kababayan yung kalagayan ng ating ekonomiya.
Nilinaw naman ni Baleña kung saan mapupunta ang naturang kontribusyon lalo na’t patuloy pa rin ang COVID-19 pandemic.
Ngayong taon ay pinaghahandaan natin itong roll out ulit nitong konsulta nagpaparami lang tayo ng providers nito. Mayroon na pong primary care proffessionals na mag-aalaga at titingin po sa atin. Wala po tayong dagdag na babayaran para lang dyan sa benefit na ‘yan. Ngayong ‘yung ating chemo dialysis session, ‘yan ang ating ie-extend natin, papalawakin yan para sa mga dialysis patients.
Ang pahayag ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña sa panayam ng DWIZ