Ipinasilip sa publiko ni Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kanilang prenuptial photo shoot sa kanilang instagram account.
Ang nasabing mga larawan ay kuha nang isang photographer na si Pat Dy kung saan, suot ng dalawa ang kanilang formal wear outdoors.
Matatandaang nagsimula ang relasyon ng dalawa taong 2014 at naging engaged sa isat-isa nito lamang March.
Dahil dito, maraming mga netizen ang kinilig at napa-sanaol sa masayang ngiti na ipinakita ng dalawa sa social media.
Oktubre 23, ang unang inanunsiyong wedding date ni Carla at Tom na gaganapin sa Madre De Dios Chapel sa Tagaytay Midlands pero agad itong binago dahil sa quarantine restrictions.
Sa ngayon, wala pang official announcement kung kailan ikakasal ang dalawa. —sa panulat ni Angelica Doctolero