Ipinakita sa publiko ni Glaiza de Castro at ng fiance nito na si David Rainey sa pamamagitan ng instagram post ng aktres ang ilang larawan ng prenuptial photos nito sa Ireland.
Makikita rin ang ilang larawan ng wedding photographer ng dalawa na si Paul Doherty ang ilan pa sa mga larawan ng prenup kung saan makikita ang sweetness ng couple.
Magugunitang tumungo sa Ireland si Glaiza nitong Disyembre nang nakaraang taon para magdiwang ng pasko kasama ang pamilya ni David.—sa panulat ni Agustina Nolasco