Palalawakin na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang kanilang prepaid electricity program sa apat pang lungsod sa Metro Manila.
Ito’y makaraang makatanggap ng positibong feedback ang naturang programa mula sa mga consumer na nakatipid ng 18 porsyento sa kanilang mga bill.
Ayon kay Tony Valdez, Head for Marketing and Customer Retail Solutions ng MERALCO, plano nilang magdagdag ng tinatayang 100,000 prepaid user sa Maynila, Mandaluyong, Pasig at Makati lalo’t madali ng i-access ang prepaid kuryente sa pamamagitan ng cellphone.
Malaki anya ang naitulong ng kuryente load sa pagbaba ng bill ng mga customer na naging dahilan din upang mabawasan ang mga naka-jumper.
Una ng isinubok ng nabanggit na power distributor ang prepaid kuryente sa 40,000 customer sa mga bayan ng Angono, Cainta, Taytay sa Rizal at ilang bahagi ng Maynila.
By Drew Nacino