Plantsado na ang mga preparasyon sa mga sementeryo, mga kalsada, bus terminals at paliparan para sa darating na undas o araw ng mga patay.
Katunayan, pinaghahandaan na ng Manila North Cemetery at Manila Police District o MPD ang pagbuhos ng higit isang milyong bibisita sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Nagkabit na ang Manila City Hall Engineering Department ng mga kable ng ilaw sa daraanan ng mga tao sa sementeryo.
Kahit wala pang masyadong mga tao, nag-ikot na ang mga garbage truck para maghakot ng basura habang sinuri na rin ng National Capital Region Police Office at NCRPO ang lugar.
Dagsa na din ang mga nagtitinda at nagpipintura ng mga puntod.
Inaasahang mas maraming bibisitang mga tao sa Oktubre 31 at Nobyembre 1, kung saan maaari itong umabot ng dalawang milyon sa undas.