Nasa full swing na ang preparasyon ng gobyerno para sa pagdaraos ng Association of South East Asian Nation o ASEAN summit sa susunod na linggo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang 30th ASEAN summit kasunod ng state visits nina Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei sa April 27 at Indonesian President Joko Widodo sa April 28.
Ang ASEAN summit ay nakatakdang daluhan ng mga lider ng 10 ASEAN member states .
Nauna ng idinaos sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang related summits na bahagi pa rin ng mga aktibidad sa ASEAN Summit.
By: Aileen Taliping