Patuloy ang preparasyon para sa biyahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa Estados Unidos na nakatakda sa susunod na buwan.
Ito’y upang dumalo sa United Nations General Assembly sa New York para sa kanyang unang foreign visit sa International Diplomatic Arena kung saan inaasahan siyang magtatalumpati.
Ayon kay Philippine Ambassador to U.S. Jose Manuel Romualdez, may ilang bilateral meetings ang nakalinya na dadaluhan ng Pangulo pero hindi naman binanggit kung kasama ang pulong kay U.S. President Joe Biden.
Una nang inihayag ni Romualdez na nais niyang magkaroon ng hiwalay na Inaugural Bilateral Summit sa pagitan nina Pangulong Marcos at Biden sa Washington D.C. na may napagkasunduan ng petsa ngayong taon.
Habang nasa Amerika, nakatakda ring makipagkita si PBBM sa iba’t ibang American Business Groups at Investors na nais na palawigin ang kanilang operasyon sa Pilipinas.