Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at SK polls na nakatakda sa December 5, 2022.
Iginiit ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco ay hangga’t wala pang batas na nagpapaliban sa nasabing halalan.
Ngayong kalagitnaan ng Setyembre, target nilang makapag imprenta na ng 91 milyong balota na gagamitin para rito.
Kung aabutin kasi aniya sila ng Oktubre ay kakapusin na sila ng paghahanda.
Natapos na rin aniya nila ang procurement ng mga kinakailangan para sa Brgy at SK polls.
Tiniyak naman ng opisyal na sakaling maipagpaliban, hindi naman masasayang ang mga naimprenta o nabili ng mga paraphernalia dahil pwede itong gamitin para sa susunod na eleksyon.