Puspusan na ang preparasyon ng mga kalahok para sa taunang grand parade ng Panagbenga Festival sa Baguio City.
Ito’y makaraang itaas sa 200,000 hanggang 500,000 Pesos ang premyo para sa mananalo sa grand float parade habang 80,000 hanggang 250,000 Pesos sa mga mananalo sa street dancing.
Nasa 20 ang kalahok sa parada habang 23 sa street dance.
Ayon sa pamahalaang panglungsod ng Baguio, asahan na ang pagsisikip sa daloy ng trapiko partikular sa mga kalsadang papasok ng City of Pines dahil sa pagdagsa ng mga turista.
Sa kabila nito, tiniyak local government na nakalatag na ang kanilang traffic plan habang inaabisuhan din ang mga motorista na sarado simula bukas hanggang linggo ang Session, Harrison at Magsaysay Roads.
Posted by: Robert Eugenio