Puspusan na ang paghahanda ng Malacañang para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa Lunes, July 27.
Gayunman, nananatiling matipid ang Malacañang sa paglalahad ng impormasyon kaugnay sa preparasyon.
Ang tanging batid lamang ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma ay ang panay-panay na pulong ng mga speechwriter ng palasyo sa draft speech ng Pangulo.
Hintayin na lamang aniya sa Lunes kung ano ang magiging laman ng SONA dahil mas mabuting sa Pangulo mismo manggaling ang sasabihin nito sa kanyang mga boss kaugnay sa mahigit limang taon nitong panunungkulan bilang ama ng bayan.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)