95% nang tapos ang paghahanda para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa National Museum of Fine Arts sa Maynila bukas.
Ayon kay Franz Imperial, Head ng Preparations Committee, ang mga isyung teknikal na lang ang hinihintay nilang maresolba, para masabing 100% kumpleto na ang paghahanda.
Kasabay nito, naghanda na rin ng plan B ang komite sakaling umulan sa inagurasyon bukas.
Isa sa ikinokonsiderang solusyon ay ang pamamahagi ng ponchos o yung waterproof na damit sa mga bisita.
Maaari ring ilipat ang event sa loob ng old session hall kung lalo pang lalakas ang ulan, pero subject to change pa ito.
Mula alas-otso hanggang alas-nuwebe ng umaga bubuksan ang gate sa National Museum para sa general public patungong golf course.
May dalawa itong daanan na matatagpuan sa Victoria at sa General Santos Street.