Umuusad na ang preparasyon ng Department of Tourism para sa Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa bansa sa 2017.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, nakatakda na silang lumagda sa kontrata sa pamunuan ng Miss Universe katuwang nila ang LCS Group ni dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson.
Kinumpirma ni Teo na mangangailangan ng 11 milyong dolyar para isakatuparan ang Miss Universe sa Pilipinas subalit kalahati anya nito ay sinagot na ng maraming sponsors.
Bahagi ng pahayag ni Tourism Secretary Wanda Teo
Ang mga pre-pageant shows anya ay ikakalat nila sa iba’t ibang lalawigan upang hindi maperwisyo sa trapik ang mga taga-Metro Manila.
Kabilang sa mga lugar na ito ang Davao City, Cagayan de Oro, Boracay, Cebu at Palawan.
Gayunman, ang coronation night aniya ay posibleng isagawa sa MOA Arena.
Bahagi ng pahayag ni Tourism Secretary Wanda Teo
By Len Aguirre | Ratsada Balita