Tuloy-tuloy ang preparasyon ng Cebu City government sa darating na pasukan sa August 22.
Ipinabatid sa DWIZ ni Cebu City Mayor Michael Rama na sa katunayan, magpupulong sila ng school administrators sa lungsod para paigtingin ang paghahanda sa pagbubukas ng bagong school year.
Samantala, patuloy ang pagkilos ng Cebu City government para solusyunan ang pagbabaha sa lungsod.
Ayon kay Rama, kung kailangang sirain ang mga gusali ay gagawin nila para mapigilan ang pagbaha sa lungsod. - sa panulat ni Hannah Oledan