Inilatag na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang mga preparasyon para sa inaasahang pagdagsa ng libu-libong pasahero ng public utility vehicle sa Semana Santa.
Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, partikular na tututukan sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2022” ang seguridad sa iba’t ibang bus at integrated terminal sa bansa.
Sinimulan na rin anya nilang inspeksyunin ang mga terminal bilang bahagi ng safety protocol.
Samantala, sasailalim din sa road worthiness check ang mga unit ng mga public utility vehicle, simula ngayong araw.