Nakatakdang mag-usap ngayong Lunes sina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari para sa kaayusan at kapayapaan sa Mindanao.
Sinabi ng Pangulo na inaasahan niya ang tawag ni Misuari bukas matapos dumating mula sa biyahe nito sa Middle East.
Ayon sa Pangulo, inaasahan niyang mayroon ng desisyon si Misuari kung paano maging maayos at mapayapa ang Jolo na balwarte nito.
Ang Jolo ay kilalang lugar ng mga bandidong Abu Sayyaf at kahit papaano umano ay nakikinig kay Misuari.
Sinabi ni Pangulong Duterte na hangad niya ang ganap na kapayapaan sa Mindanao kaya nakikipag-usap ito sa mga personalidad sa Mindanao
By: Aileen Taliping