Kapwa nanawagan sina Pangulong Rodrigo Duterte at Prime Minister Shinzo Abe sa lahat “concerned parties” na magkasa na ng negosasyon upang matigil na ang nuclear threat ng North Korea.
Kabilang lamang ito sa mga napag-usapan ng dalawang leader sa kanilang paghaharap sa Tokyo bilang bahagi ng dalawang araw na official visit ni Pangulong Duterte sa Japan.
Nagkasundo sina Duterte at Abe na dapat ng matuldukan ang Korean crisis sa mapayapang paraan.
Kinondena rin ng dalawang heads of state ang nagpapatuloy na ballistic missile tests ng NOKOR na isang malaking banta sa Asia-Pacific Region.