Muling nagkrus ang landas nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice-President Leni Robredo makaraang dumalo ang Bise-Presidente sa ipinatawag na LEDAC o Legislative Executive Development Advisory Council Meeting sa Malacañang.
Pero taliwas sa inasahan, walang nangyaring isnaban sa pagitan ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, maituturing na civil ang muling pagkikita ng Pangulo at Pangalawang Pangulo.
Nakatutok aniya ang lahat sa mga pinag-usapan sa LEDAC meeting tulad ng posibleng termination ng barangay elections, dagdag sahod ng militar, insentibo sa retirement pay ng mga sundalo, tax reform at mga socio economic agenda ng Duterte Administration.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping