Nagkagaanan ng loob sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangalawang Pangulong Leni Robredo sa huling dalawang pagtatagpo nila.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre Jr., ito marahil ang dahilan kung bakit nagbago ang isip ng Pangulo at binigyan niya ng pwesto si Robredo.
Una nang sinabi ng Pangulong Duterte na walang puwang sa kanyang gabinete si Robredo dahil masasaktan ang kaibigan niyang si Senador Bongbong marcos kapag binigyan niya ng posisyon si Robredo.
ngunit sa pagkikita ng Presidente at Bise Presidente sa Camp Aguinaldo noong isang linggo at sa Malacañang noong lunes, naging maganda ang kanilang pag-uusap.
Ayon kay Aguirre, mainam para sa bansa ang pagtanggap ni Robredo sa alok ng pangulo na pamunuan ang Housing and Urban Development Coordinating Council.
By: Avee Devierte