Nagkamayan sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangalawang Pangulong Leni Robredo nang magkita sila sa seremonyas ng pagtatapos ng Philippine Military Academy SALAKNIB Class of 2017.
Ito ang unang pagkakataong dumalo ang dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa sa isang pampublikong pagdiriwang sumula nang bitiwan ni Robredo ang kanyang pwesto bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council noong Disyembre.
Nagkalamat umano ang relasyon ni Pangulong Duterte at ng Vice President dahil sa pagbibitiw ni Robredo sa pwesto niya sa gabinete ng Administrasyong Duterte.
By: Avee Devierte
Photo Credit: RTVM/ Presidential Communications