Bibigyan ng patas na laban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga grupong nais magpatalsik sa kanya sa puwesto.
Ito ang bwelta ng Pangulo sa harap ng nabunyag na blue print umano ni Dating US Ambassador to the Philippine Philip Goldberg para patalsikin si Duterte sa puwesto.
Sinabi ng Pangulo na mahihirapan ang sinumang gustong magpatalsik sa kanya dahil nakahanda niyang harapin ang mga ito.
Naniniwala aniya siya na kaloob ng Diyos na naging Presidente siya ng Pilipinas kaya’t gagawin niya ang kanyang mandato kung hanggang saan matatapos ito.
Babala ng Presidente sa mga may masamang tangka sa kanyang liderato, paduduguin niya ang ilong ng mga ito.
Nauna rito, lumalakas ang ugong ng planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte na ilalarga umano ng mga dilawan sa pagpasok ng 2017.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping