Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Abu Sayyaf Group.
Sa talumpati ni Duterte sa change of command ceremony ng AFP, sinabi nitong dapat nang tumigil ang mga gawain ng bandidong grupo na animo’y sampal sa pamahalaan.
Partikular na rito ang kidnapping for ransom ng Abu Sayyaf Group.
Kaugnay nito, binantaan din ni Duterte ang sinumang sangkot sa iligal na droga, lalo na ang mga drug lord, na bilang na ang kanilang oras.
Paalala ng bagong Pangulo, magiging marahas ito sa pagsugpo sa kanilang mga aktibidad.
By: Avee Devierte