Binatikos ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang Pangulong Rodrigo Duterte sa plano nitong magtalaga ng barangay officials sa halip na ituloy ang barangay elections.
Sinabi ni Bacani na wala sa batas ang appointment ng barangay officials at ang eleksyon aniya ay ginagawa para mabigyan ng pagkakataon ang publiko na pumili.
Ayon pa kay Bacani ang barangay elections ay bahagi ng elementary democracy dahil dito nagsisimula ang pagpili ng tao ng kanilang mga lider.
By: Judith Larino