Binisita na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at ang kanyang bagong apo na si Stonefish.
Ayon sa Davao City Information Office, isinilang ni Mayor Sara si Stonefish sa pamamagitan ng cesarean section, mag a – ala una kahapon.
Una nang kinumpirma ni Duterte na buntis siya sa triplets noong Agosto 2016, subalit nasawi ang dalawa.
Mayroon pang dalawang anak si Sara at ang asawa nitong si Atty. Manases Carpio, na sina Shark at Stingray.
By: Katrina Valle