Bubuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang komisyon na mag-iimbestiga hinggil sa madugong Mamasapano encounter.
Sa kanyang talumpati sa dayalogo sa Pamilya ng SAF 44, sinabi ng Presidente na ang komisyon ay katulad ng Agrava Commission na kakatawanin ng mga taong may dangal at integridad para tapusin ang imbestigasyon.
Kaugnay nito, napag-alaman ng Pangulo na dalawa lamang mula sa 44 na napatay na elite forces ang binigyan ng medal of valour ng Aquino Administrattion.
Dahil dito, inatasan ng Pangulong Duterte si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na i-review ang records ng mga nasawing SAF 44 para sa posibilidad na paggagawad ng medal of valour sa mga ito.
Tiniyak din ng punong ehekutibo na magtatakda siya ng “day of remembrance” para sa Fallen 44 .
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping