Maluwag umano sa loob ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng joint military exercises kasama ang Russia.
Inihayag ito ng Palasyo kasunod ng pagdating sa bansa ng 2 barko ng Russia, ang Russian Destroyer Admiral Tributs at Sea Tanker na Boris Botumato na nakadaong sa Manila Bay.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, inaasahang mapatatatag ng goodwill visit ng 2 Russian Ship ang relasyon sa Philippine Navy.
Indikasyon din, aniya, ito para sa mas pagpapatatag sa maritime cooperation, diplomacy, at camaraderie.
Ayon kay Abella, nakabatay ang joint military exercises sa nilagdaang memorandum of agreement noong 2014 ng Department Of National Defense.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping