Tumulak na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia para sa limang araw na official visit.
Sa kanyang departure speech kahapon, binigyang diin ng Pangulo ang halaga ng kanyang misyon na bahagi ng mas pagpapaigting ng relasyon sa Russia at pagsulong ng ekonomiya.
Ayon sa Pangulo, hindi maaaring isantabi ang Russia dahil maraming oportunidad na maaaring mapakinabangan ng Pilipinas.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pres. Duterte
Ibinida rin ng Pangulo ang inaasahang pagpupulong nila ni Russian President Vladimir Putin at Russian Prime Minister Dimitri Medvedev.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pres. Duterte
Kasabay nito, nagparunggit ang Presidente sa isang bansa na hindi direktang pinangalalan na matagal na naging kaalyado ng Pilipinas, subalit walang pagbabagong naranasan ang bansa kaya’t sa pagkakataong ito ay ibabaling ang atensiyon sa mga bansang handa at totohanang tutulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga Pilipino.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pres. Duterte
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping