Tumulak na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa apat na araw na working visit sa Myanmar at Thailand.
Sa kanyang departure speech sa Davao City International Airport, sinabi ng Pangulo na ang kanyang biyahe ang final leg sa kanyang mga pagbisita sa mga bansa sa asya .
Mapapamahon aniya ito para na rin ipabatid ang pagiging host ng pilipinas sa 30th ASEAN Summit ngayong taon.
Ayon sa Pangulo, layon ng kanyang pagbisita sa Myanmar na lalo pang paigtingin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa na umabot na ng anim na dekada.
Makakapulong ng Pangulo ang mga matataas na opisyal ng Myanmar at inaasahang pag-uusapan ang mga kinakaharap na hamon ng dalawang bansa partikular ang paglaban sa trans national crimes, terrorism, extremism, piracy at ang talamak na illegal drug trade.
Inaasahang makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino Community para ibahagi ang mga ginagawang pagbabago para sa bansa.
By: Aileen Taliping
Photo Credit: RTVM/ Presidential Communications