Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Air Force na madaragdagan ang kanilang mga kagamitan
Sa kaniyang talumpati sa ika-69 na anibersaryo ng Air Force, sinabi ng Pangulo na bibili ang pamahalaan ng mga dagdag na helicopters at night vision capability para mapahusay ang pagtatanggol sa bansa
Bahagi ng programa ang pagparada ng mga kagamitan ng hukbong panghimpapawid at air assets ng bansa ngunit, tinutulan ng pangulo ang pagsasagawa ng flyby ng mga eroplano
Kasabay nito, binati at sinaluduhan ng Pangulo ang mga opisyal at tauhan ng Air Force at nangakong paghuhusayin pa ang serbisyo nito sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang hanay
By: Jaymark Dagala