Hindi rin naitago ni Senate Committee on Justice Chairman Richard Gordon ang kaniyang inis at pagkadismaya.
Ito’y makaraang ibaba sa homicide ang murder case at pinayagan pang makapagpiyansa ng Baybay City RTC si CIDG Region 8 Director Supt. Marvin Marcos at mga kapwa akusado nito sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ayon kay Gordon, dapat mayruong maghain ng petisyon sa Department of Justice para muling repasuhin ang kaso upang non bailable offense na ng maisampa sa mga ito.
Bagama’t batid naman aniya ng publiko na malapit si Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya, ngunit dapat pa rin aniyang gumulong ng katarungan alinsunod sa batas.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno