Tutol si Kabayan Partylist Rep. Harry Roque sa panukala ni House Speaker panTaleon Alvarez na palawigin ang Martial Law sa Mindanao hanggang sa taong 2022.
Ayon kay Roque, sapat na ang panibagong 60 araw na extension sakaling muli itong hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang bigyang daan ang clearing operations gayundin ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Kasabay nito, hinimok ni Roque ang Pangulo na samantalahin na ang kaniyang ikalawang SONA o State of the Nation Address sa Hulyo 24 para hilingin sa Kongreso ang pagpapalawig sa Martial Law.
Gayunman, sinabi ng mambabatas na kung susundin ng palasyo ang mungkahi ni Alvarez na pahabain pa ng hanggang Limang taon ang deklarasyon, dapat itong magbigay ng sapat na batayan para rito.
By: Jaymark Dagala
Pres. Duterte dapat samantalahin na ang SONA kung hihirit umano ng ML extension was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882