Handang magbitiw sa tungkulin si Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng tatlong taon kung maisusulong agad ang pag-amiyenda sa konstitusyon.
Ito ang inihayag kahapon ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Lamitan, Basilan para kausapin ang mga taga-Basilan.
Sinabi ng Pangulo na kapag natiyak niyang magdudulot ng kabutihan ang bagong konstitusyon ay maaari na itong mag-resign bilang Pangulo.
Nangako, aniya, siya kay dating Moro National LIBERATION front Chairman Nur Misuari at sa mga taga-Mindanao na magkakaroon ng Federalismo at sa sandaling maitatag ito ay maaari na siyang bumaba sa puwesto.
Pero sinabi ni Pangulong Duterte na tatapusin muna niya ang problema sa iligal na droga, peace and order, at ang talamak na katiwalian sa gobyerno.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping