Tiniyak ng Malacañang na hindi anti-catholic si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga pagtuligsa niya sa mga pari at obispo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nasagad na marahil ang pasensya ng Pangulo sa patuloy na pagkwestyon sa kanyang anti-illegal drugs campaign at ang paggiit ng mga alagad ng simbahan na extrajudicial killings ang mga kaso ng pagpatay sa mga drug suspect.
Idagdag pa, aniya, na may pagkukulang din naman maging ang mga matataas na opisyal ng simbahang bumabatikos sa Pangulo.
Nag-ugat ang mga matatapang na banat ng Pangulo sa mga pari at obispo nang batikusin ni Bishop Bacani ang Philippine National Police o PNP noong Miyerkules at tawaging bringer of death ang anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping