Hindi inalintana ni Pangulong Rodrigo Duterte ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya sa Kamara.
Abala ang Pangulo kahapon sa binyag ng bagong apo na si Marko Digong Duterte-Carpio alyas Stonefish, ang bunsong anak ni Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio.
Bininyagan ang apo ng pangulo sa St. Francis of Assisi Parish sa Maa, Davao City.
Sa ipinadalang larawan sa Malakanyang, kitang-kitang nag-enjoy ang Pangulo sa bonding nila ng kanyang apo at pamilya.
Kasama sa naging ninong ni Stonefish si Manila Mayor at dating Pangulong Joseph Estrada.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
Photo Credit: Office of Davao Mayor Sara Duterte