Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi kumbinsidong magtatagumpay ang kasong Usurpation of Authority na inirekomenda ng Ombudsman laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kaugnay ito sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.
Tinawag ni Duterte na “bugok” ang rekomendasyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales dahil prerogative ng Pangulo ng bansa na tawagin ang kahit na sinong gusto nitong makatulong sa kanya.
Sa panahong inilunsad ang Oplan Exodus, sinabi ng punong ehekutibo na kinuha ni Pnoy si dating PNP Chief Alan Purisima hindi bilang hepe ng PNP kundi bilang adviser nito kaya walang usurpation sa naging aksyon nito.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
Pres. Duterte hindi kumbinsidong magtatagumpay ang kaso laban kay dating Pres. Noynoy was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882