Hindi kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na nag-e-export ng shabu ang China sa Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi issue ang exportation at hindi rin matatawag na piracy ang pagtatapon ng mga iligal na droga sa dagat o international waters na dadamputin sa regions 1, 2 at 3.
Inihayag din ng Pangulo na napag-alaman niyang mayroong lumalaking problema sa illegal drugs ang China tulad sa Pilipinas matapos ang pag-uusap nila ni Chinese President Xi Jinping noong Oktubre sa Beijing.
Una ng inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency Spokesman Derrick Carreon na ang Tsina pa rin ang nangungunang source ng shabu at mga kemiikal na ginagamit sa pagluluto ng naturang droga.
By: Drew Nacino