Nabigo si Pangulong Rodrigo Duterte na makadalo sa opening ceremony ng BRF o Belt and Road Forum sa Beijing, China.
Sa kabila nito, present naman ang top leaders ng iba’t ibang bansa para sa 2-day forum.
Pinangunahan ni Chinese President Xi Jinping ang opening ceremony ng BRF.
Iginiit ni Xi na handa ang China na ibahagi ang ‘practices of development’ nito, pero wala raw intensyon na maki-alam sa internal affairs ng ibang mga bansa.
Naglahad din ng kanyang talumpati si Russian President Vladimir Putin kung saan pinuri nito ang large-scale initiative ng China.
By: Meann Tanbio