Hindi tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang staggered o pautay-utay na pagbabayad ng tax liabilities ng kumpaniyang Mighty Corporation.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre makaraang umapela ang nasabing kumpaniya na gawing hulugan ang Tatlong Bilyong Pisong buwis na hindi nila binayaran ng ilang taon.
Ngunit paglilinaw ng kalihim, maaari pa rin namang pumasok sa compromise deal ang gubyerno at ang Mighty Corporation dahil pinapayagan naman ito alinsunod sa umiiral na Tax Code ng Pilipinas.
Maliban sa Mighty, nais din ng Pangulo ayon kay Aguirre na magbayad din ng buong buwis ang online gaming tycoon na si Jack Lam para sa kaniyang tax liabilities na nagkakahalaga ng halos labing apat na Bilyong Piso.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo