Hindi natatakot si Pangulong Rodrigo Duterte na ma-impeach dahil lamang sa kanyang ipinatupad na All-Out-War kontra iligal na Droga.
Ayon sa Pangulo, handa niyang itaya ang kanyang posisyon, dangal at buhay kung ang kukwestiyunin ay ang pinaigting nitong kampanya laban sa illegal drug trade sa bansa.
Binigyang-diin ng Pangulo na wala siyang ilusyon dahil sa una pa lang ay ayaw niyang tumakbo sa pagka-Pangulo, subalit nagsalita na ang taumbayan kaya haharapin niya ang responsibilidad na iniatang sa kanya.
Ang tanging hiling lamang ng Pangulo ay tulungan siya para matapos na ang problemang sumisira sa mamamayan at sa bansa.
Matatandaang may ilang grupo na kontra sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga dahil labag umano sa batas ang extra-judicial killings.
By: Meann Tanbio