Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan siya ng Kongreso ng Emergency Power upang malutas ang matinding problema sa Trapiko sa Metro Manila.
Sinabi ng Pangulong Duterte na nasa pagpapasya na ng mga mambabatas kung gusto o ayaw bigyan ng Emergency Power ang Ehekutibo.
Kung ibibigay ang hinihinging Emergency Power, magiging madalian aniya ang biyahe at gagaan ang kunsumisyon ng publiko, subalit kung ayaw naman ay malaya silang bumaybay sa mas mahabang ruta.
Idinagdag pa ng Pangulo na ang Emergency Power ang nakikita nilang pinakamabilis na solusyon para malutas ang problema sa trapiko at kung may agam-agam ang mga mambabatas na baka pagmulan ito ng katiwalian, tinitiyak aniya niya na magiging malinis ang kanyang patatakbuhing gobyerno.
By Meann Tanbio