Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong ng mga sundalo sa Western Mindanao Command para labanan ang talamak na problema ng bansa sa iligal na droga gayundin sa terorismo
Sa kaniyang pagbisita sa Zamboanga City, sinabi ng Pangulo na marami nang problema ang bansa tulad ng droga sa Maynila habang terorismo naman sa Mindanao kaya’t panahon na para labanan at supilin ang mga ito
Sinabi ng Pangulo na sa kaso ng Abu Sayaf, tila sinasampal ang gubyerno sa tuwing may mga dayuhang dinudukot at pinupugutan ng ulo
Dahil dito aniya, napapahiya ang buong bansa partikular na ang puwersang militar gayundin ang pulisya
Sa kaso naman ng iligal na droga, sinabi ng Pangulo na naka-iinsulto ang ginagawang pagluluto ng shabu sa loob mismo ng pambansnag piitan kaya’t kailangan nang matigil ang mga ito sa lalong madaling panahon
By: Jaymark Dagala