Bumilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa binisitang barkong pandigma ng China, ang guided missile destroyer Changchun na dumaong sa Sasa Port, Davao City.
Ayon sa Pangulo, napahanga sila sa linis ng barko na inihalintulad nito sa isang hotel at ipinakita rin sa kanya ang mga armas na pinapatakbo ng computer.
Nilinaw ni Pangulong Duterte na ang pagbisita ng barkong pandigma ng Tsina ay bahagi ng “confidence building measure” at pakikisama.
Bukas naman ang punong ehekutibo sa posibilidad na magkaroon ng joint military exercise ang Pilipinas sa China at maaari aniyang gawin ito sa Mindanao partikular sa Sulu Sea.
Iginiit naman ng Pangulo na wala siyang balak na makipagdigma sa Tsina dahil bukod sa hindi kaya ng Pilipinas na tapatan ang armas ng People’s Liberation Army ng China, wala aniyang mananalo sa magkabilang panig kapag pinairal ang karahasan.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping