Nagpaabot ng dispensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa German government dahil sa hindi pagkakaligtas kay Jurgen Kantner na pinugutan ng Abu Sayyaf Group.
Sinabi ng Pangulo na nakikisimpatiya siya sa pamilya ng pinaslang na bihag.
Ayon kay Pangulong Duterte, ginawa ng gobyerno ang lahat para mailigtas ang german subalit sadyang matinik ang mga Abu Sayyaf.
Kasabay nito pinanindigan ng Pangulo ang no ransom policy ng gobyerno dahil kung pinayagan ito, lalong magkakaroon ng dahilan ang mga bandido para muling mangidnap at wala ng magiging katapusan ang ganitong gawain.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping